Saturday, September 1, 2012
The Scream
Charideth G. Surait Prof. Gojo CruzII-A BSBT Agosto 24, 2012
The Scream
( Isang Pagsusuri sa pinta ni Edvard Munch)
The Scream- ito ay nilikha ng isang kilalang pintor na si Edvard Munch noong 1893, kilala siya bilang isang “expressionist” na pintor na kung saan isinasalin niya ang kanyang nararamdaman sa mga obrang kanyang ginagawa . Ang obrang niyang The Scream ay isa sa dalawampu’t dalawa niyang pintang larawan na inilabas sa Berlin noong 1902 na pinamagatang “The Frieze of Life”.Makikita sa larawang ito ang isang babaeng sumusigaw habang nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilaang tenga. Sa pagpinta ng larawan ito, gumamit ng kakaibang istilo si Munch upang mailabas ang emosyon na nakapaloob sa larawan. Dito pinapakita ang kalituhan o kaguluhan na nararamdaman ng tao na dala ng iba’t ibang emosyon na may kaugnay sa pag-ibig, buhay at kamatayan. Ang mga elemento tulad ng paggamit niya ng kurbang linya, madidilim at patay na kulat at sumisigaw na paksa ang nagbigay ng kakaibang anyo sa larawan, anyo ng kawalan ng pag-asa sa buhay at minamahal. Ang obrang ito ang nagpapakita ng sugat na pilit na tinatago ng tao sa kanyang sarili, at unti-unting sumusira sa kanya pagkatao.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment