Charideth
G. Surait
Aug. 03, 2012
II-
A BSBT
Prof. Gojo Cruz
Itak sa Puso ni Mang Juan
Antipas Delotavo
Unang tingin ko sa larawang ito, hindi
ko makuha ang tinutukoy ng pintor kung
bakit binigyan niya ito ng pangalan na “
Ang Itak sa Puso ni Mang Juan”. Sa larawan maaninag mo ang isang matanda na tila nahihirapan o di
naman kaya ay masyadong pagod sa
maghapong pagtatrabaho.
Maraming tayong maaring maisip na
kahulugan ng larawan ito , ika nila “ A
Picture Can Paint a Thousand Words.” Para sa’akin pinapakita ng larawan ito ang
isang tipikal na pamumuhay sa ating bansa. Isa ito sa mga maituturing nating
salamin ng katotohanan. Bakit?? Bakit nga ba?
Maraming dahilan kung bakit ko ito
nasabi,dahil ang matanda sa larawan na si Mang Juan ang imahe nating mga
Pilipino, mga mahihirap na mamayan ng
ating bansa, marami ng dayuhan ang nagpundar ng kanilang mga negosyo sa ating
bansa, tulad na lamang ng Kompanyang Coca-Cola na dumating dito noong 1912, sa
kanilang pagdating sa ating bansa,
umaasa tayo na matutulungan nila tayo sa pagunlad ng at
pag-aahon ng mga mahihirap na mamayan sa ating bansa pero ngayon sino ang tunay na umuunlad? Tayo
ba? Hindi ba sila?, sila na mauunlad na, at tayo na patuloy nilang pinagkakakitaan.
Hanggang ngayon , patuloy tayong umaasa
sa mga pangako nilang pagtulong na hindi naman nararamdaman dahil marami pa rin
ang mga nakakaranas ng gutom sa ating bansa.

No comments:
Post a Comment