Sunday, September 2, 2012

Bakit Bayani ko si Joe?

Charideth G. Surait                                                                                Prof. Genaro Gojo Cruz
II-A BSBT                                                                                              08/31/12
Bakit Bayani ko si  Joe?
(Pagsusuri sa “JOE” A Filipino Rocksical)
            Bawat isa sa atin ay may bansag o palayaw na ibinibigay upang ipanghalili sa ating mga panagalan, bawat tao na ating makilala maaring magbigay ng palayaw sa atin. Kaya hindi na nakakapagtaka kung ang ating pambansang bayani ay marami ring palayaw na gamit. Isa na nga rito ang bansag na “Joe” na itinawag sa kanya ni Josephine Bracken ng sila ay unang magkilkala. Si Joe o mas kilala natin bilang Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Reolonda ay anak nila Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonzo Reolonda de Quintos, na ipinanganak noong ika-19 ng Hulyo 1861 sa Calamba at namatay noong ika-30 ng Disyembre 1895 sa Bagumbayan. Si Joe ay tinuturing natin na pambansang bayani dahil sa kanyang mga natatangi na ambag at nagawa sa ating bayan. Nakilala si Joe sa kanyang mga aklat na Noli Me Tangere at El Filibusterismo na naglalaman ng mga pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino, ito rin ang gumising sa damdaming makabansa ng maraming Pilipino noong panahaon na iyon. Bukod sa pagiging manunulat nakilala rin siya larangan ng sining, siyrnsya at medisina. Kilala rin si Rizal bilang isang mabait na anak at kapatid at syempre magiliw at magalang sa mga babae . Marami rin siyang nakilalang babae na nagpatibok ng kanyang puso at isa na nga rito si Josephine Bracken na nakilala niya sa Dapitan at  nagbigay ng kakaibang kulay sa buhay ng ating dakilang bayani.
            Ang “Joe” ay isang dula na sinaliwan ng awit at sayaw. Ito ay tungkol sa anim na mag-aaral na sina Joecas ang manunulat at direktor , Joanne ang researcher,  Hunter na kompusitor ng musika, Bimbo ang choreographer, si Ambo, ang kanilang set designer at si Julia ang costume designer,  ng Rizal Integrated School na inatasan na gumawa ng isang dula at pananaliksik tungkol sa buhay ni Rizal. Bagamat natapos ng anim ang dula alam nila na hindi pa sapat ang kanilang nalalaman tungkol sa ating bannsang Bayani. Makalipas ang sampung taon, isa ng sikat na manunulat si Joecas at siya ang naatasan ng pamahalaan na gumawa ng isang dula na tumatalakay sa buhay ng ating pambangsang bayani para ssa ika-150 Anibersayo ng kanyang pagkabayani. Dahil dito naisipan ni Joecas na hnapain ang mga dating kaibigan para tumulong sa 0pagbuo ng isang  “dreamplay”. Kahit may kanya kanya ng buhay sina Joanne, isa ng historian, si Hunter ay isa ng rebelde na namumundok, , si Bimbo na isa ng party dj, si Julia na sikat ng fashion designer at si Ambo na may-ari ng parlor, tumulong pa rin sila sa pagbuo ng dula at tumira sa iisang bahay kasama ang isa’t isa. Habang ginagawa nila ang dula marami silang natutunan sa buhay ni rizal at unti –unti ring bumabalik ang iba’t ibang isyu sa kanilang buhay na may pagkakahalintulad, pagkukumpara sa buhay ng ating pambangsang bayani tulad ng pag-ibig ni Joecas kay Joanne at pagsakripisyo nito sa kanayang mahal para lamanag sa kanyang sining, ang pag-ibig ni Hunter kay Joanne at pagtalikod sa kaynang ideolohiya, ang tunay na pagkatao  ni Ambo, ang pagkamulat ni Bimbo sa tunay na realidad ng buhay at ang muling pag-aaral ni Julia.
            Habang nasa Dapitan, nakilala ni Rizal si  Josephine Bracken at nagka-anak dito ngunit hindi nabuhay ang bata,  hiniling niya    sa mga pari kung maari silang ikasal ni Josephine ngunit hindi pumayag ang mga ito, bagkus ginamit nila ito bilang kundisyon sa isang kasulatan. Ang Retraction Letter  na nagsasaad ng pagtalikod ni Rizal sa lahat ng kanyan  mga pinaglalaban at ideolohiya at paunumbalik sa Katolisismo kapalit ng pagpapakasal niya kay Josephine Bracken.
Kung totoo man na may ginawang kasulatan ng mga pari  na nagsasaad ng pagtalikod ni Rizal kanyang ideolihiya , sa aking palagay hindi ito kalian man pipirmahan ni Rizal dahil naging malinaw sa ating lahat ng sakripisyo na kanyang ginawa para lamang sa bayan na ito. Hindi ako naniniwala makakaya niyang ipagpalit sa pag-ibig ang kanyang prinsipyo at pagkatao dahil unang una handa siyang mamatay para lamang sa dangal ng ating bansa. At naniniwala ako mas mahal niya ang ating bansa higit kanino man kaya hindi siya pumirma sa naturang kasunduan. Hindi man sila kinasal ni Josephine, alma natin kung paano niya minahal  ang babaeng ito na katulad ng pagmamahal din niya sa kanyang ina at mga kapatid. Higit kanino man ang dapat makaintindi sa ginawa niyang  hindi  pagpirma sa kasunduan ay si Josephine Bracken dahil alam niya kung paano pinahahalagahan ni Joe o Rizal ang kanyang bayang sinilangan.
            Isang napakagandang dula na nagpapakita ng isang importanteng yugto ng buhay ng ating pambangsang bayani. Sa obrang ito matutunghayan kung paano nga ba nagkakaiba ang Sining sa Kasaysayan at kung paano nagagamit ang sining upang mas lalo nating maintindihan ang kasaysayan. Ang “Joe A Filipino Rocksical” ay nararapat lamang matunghayan ng marami hindi lamang ng mga estudyanteng katulad namin kundi pa na rin ng mga ordinaryong mamamayan o Pilipino dahil bukod sa mahusay na director, pag-arte at musika, marami pang dapat hangaan sa dulang ito. Tinuturuuan tayo ng dulang ito na , tayo bilang isang tao, bilang isang Pilipino nararapat lamang na gumawa tayo ng paninindigan, dahl ito ang magtataguyod sa ating prinsipyo at dangal. Sa buhay . Katulad na lamang ng  ginawa nina Joe (Rizal) at Joecas na tinalikuran ang pag-ibig para mga bagy na kanilang pinaninindigan, si Rizal ang kanyang pagmamahal sa Bayan at ni Joecas sa kanyang sining. Ang  ginawang pagtalikod ni Hunter sa kanyang idelohiya para sa pagpmamahal niya kay Joanne. Bukod dito, nais sabihin ng dula na kahit anong manyari tayo ang nagmamay-ari kay rizal dahil tayo, ang bansang Pilipinas at mga Pilipino ang laman ng puso n gating pambangsang Bayani.

Saturday, September 1, 2012

The Scream


Charideth G. Surait                                                                                 Prof. Gojo CruzII-A BSBT                                                                                                Agosto 24, 2012                                        

                                                                                   The Scream                                                 
                                                             ( Isang Pagsusuri sa pinta ni Edvard Munch)
The Scream- ito ay nilikha  ng isang kilalang pintor na si Edvard Munch noong 1893, kilala siya bilang isang “expressionist” na pintor na kung saan isinasalin niya ang kanyang nararamdaman sa mga obrang kanyang ginagawa . Ang obrang niyang The Scream ay isa sa dalawampu’t dalawa niyang pintang larawan na inilabas sa Berlin noong 1902 na pinamagatang “The Frieze of Life”.Makikita sa larawang ito ang isang babaeng sumusigaw habang nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilaang tenga.  Sa pagpinta ng larawan ito, gumamit ng kakaibang istilo si Munch upang mailabas ang emosyon na nakapaloob sa larawan.  Dito pinapakita ang kalituhan o kaguluhan na nararamdaman ng tao na dala ng iba’t ibang emosyon na may kaugnay sa pag-ibig, buhay at kamatayan. Ang mga elemento tulad ng  paggamit niya ng kurbang linya,  madidilim at patay na kulat at sumisigaw na paksa  ang nagbigay ng  kakaibang anyo sa larawan, anyo ng kawalan ng pag-asa sa buhay at minamahal. Ang obrang ito ang nagpapakita ng sugat  na pilit na tinatago ng tao sa kanyang sarili, at  unti-unting sumusira sa kanya pagkatao. 

Monday, August 20, 2012

Itak sa Puso ni Mang Juan


Charideth G. Surait                                                                                             Aug. 03, 2012
II- A BSBT                                                                                                          Prof. Gojo Cruz

Itak sa Puso ni Mang Juan
 Antipas Delotavo
                Unang tingin ko sa larawang ito, hindi ko makuha ang tinutukoy ng pintor  kung bakit binigyan niya  ito ng pangalan na “ Ang Itak sa Puso ni Mang Juan”. Sa larawan maaninag mo  ang isang matanda na tila nahihirapan o di naman kaya ay masyadong  pagod sa maghapong pagtatrabaho.
            Maraming tayong maaring maisip na kahulugan ng larawan ito ,  ika nila “ A Picture Can Paint a Thousand Words.” Para sa’akin pinapakita ng larawan ito ang isang tipikal na pamumuhay sa ating bansa. Isa ito sa mga maituturing nating salamin ng katotohanan. Bakit?? Bakit nga ba?
            Maraming dahilan kung bakit ko ito nasabi,dahil ang matanda sa larawan na si Mang Juan ang imahe nating mga Pilipino, mga mahihirap na mamayan  ng ating bansa, marami ng dayuhan ang nagpundar ng kanilang mga negosyo sa ating bansa, tulad na lamang ng Kompanyang Coca-Cola na dumating dito noong 1912, sa kanilang pagdating  sa ating bansa, umaasa tayo na matutulungan nila tayo sa pagunlad  ng  at pag-aahon ng mga mahihirap na mamayan sa ating bansa  pero ngayon sino ang tunay na umuunlad? Tayo ba? Hindi ba sila?, sila na mauunlad na,  at tayo na patuloy nilang pinagkakakitaan. Hanggang ngayon , patuloy tayong  umaasa sa mga pangako nilang pagtulong na hindi naman nararamdaman dahil marami pa rin ang mga nakakaranas ng gutom sa ating bansa. 

http://bjanepr.files.wordpress.com/2010/03/antipasdelotavo-itaksapusonimangjua.jpg